tagtuyot..

August 6th, 2007 by iki-iki

tulad ng panahon, mabilis na lumipas ang tag-ulan nitong nakaraang araw..
ay, hindi pala lumipas..
hindi ito natuloy.. ni hindi nakarating ang inaasahang bagyo..
kaya ngayon, ang dinaranas ay matinding tagtuyot..
parang manhid ang pakiramdam..
hindi maintindihan kung iiyak, tatawa, malulungkot o ano pa man..
manhid.. ako..
pero sabi sa balita, asahan pa rin ang pagdating ng bagyo sa pagkakatoang hindi inaasahan..
mas gusto ko nang dumating ang bagyo at bumaha na ng luha kesa manatiling manhid..
dahil sigurado, lilipas ang tag-ulan, matutuyo ang luha at sisikat ang araw..
natitiyak ko rin na kahit lumipas ang tag-ulan, mananatiling buhay ang nai-punlang masayang ala-ala sa aking puso..
wala na akong pinagsisisihan..
wala na akong gustong balikan..
uusad na ako..
kaya sana..
sana..
bumagyo na..

ulan

July 12th, 2007 by iki-iki

Sobrang lakas ng buhos ng ulan..
Na tila umaayon sa mga nararamdaman ko ngayon.. Nambubuyo ang bawat patak..

Sa ganitong panahon tayo nagkakilala..
Sa panahong malakas ang buhos ng ulan sa buhay ko.. At literal, sa panahaon ng bayuhan..
Naaalala mo ba yung mga umagang ikaw ang naka-tokang manggising pero ine-excuse mo ako dahil nararamdaman mo sa gabi na gising ako ang nagsusulat?…
Naaalala mo ba yung mga umagang inaagaw mo ang kapihan ko at nilalagyan ito ng gatas o coffee mate, yung mga hapon na hinahatiran mo ako ng kape sa pwesto dahil tulog ako ng tulog, yung mga gabi na hinahatiran mo pa uli ako ng kape pero may kasama nang biskwit at pagkatapos, magpapturo ka nang mag-gitara?..

Hindi mo napapansin (at hindi ko rin napansin), unti-unti mo na palang napapatila ang buhos ng ulan sa mga panahong iyon..

Hanggang sa hindi ko na rin namamalayan, tuluyan nang sumikat ang araw sa akin..
Hinawi mo na ang makapal na ulap na tumatakip sa makulay na bahaghari..
Muling sumiwang sa akin ang masayang umaga, kapiling ka..

Pero tulad ng panahon, matapos ang isang taon ay bumabalik ang tag-ulan..

Sobrang lakas ng buhos ng ulan..
Makakaya ba natin hawiin muli ang makapal at madilim na ulap?..
Sikapin natin..
Gusto kong masilayan ulit ang makukulay na bahaghari..
Gusto kong sumiwang ulit ang isang masayang umaga, kapiling ka..

Sikapin natin..

paano mahalin ang katulad mo?

July 8th, 2007 by iki-iki


di ko makakaila ang pag-aalala,

na sa tuwi-tuwina’y nadarama..

nangangamba.. nangangamba..

na baka mapahamak ka..

dapat sarilinin ko na lang,

kay dami-rami mong pasan-pasan,

baka lalo ka pang mabibigatan..

itatago ko ang aking kaba,

at ikukubli ang pangangamba..

ngunit sa dilim ay mapapansin mo ang takot ko..

ang dinadaing ko’y para sa’yo,

ang unti-unting matutunan ko..

paano mahalin?.. paano mahalin ang katulad mo?

di ko maikakaila ang pag-aalala,

ngunit di ba mas mahalaga..

ang dinggin ka, intindihain ka,

samahan ka sa bawat pasya..

paano ba ako makatuwang?..

paano ba ako makakagaan?..

paano kung ako ay nasasaktan?..

itatago ko ang aking kaba,

at ikukubli ang pangapngamba..

ngunit sa dilim ay mapapansin mo ang takot ko..

ang dinadaing ko’y para sa’yo,

ang unti-unting matutunan ko..

paano mahalin?.. paano mahalin ang katulad mo?

mamaw!

March 12th, 2007 by iki-iki

Ako ang dulo at ikaw ang umpisa
Dal’wa ang dako ng landas nating dal’wa
Ika’y apoy, ako ay tubig
Duda ko’y iyong pananalig
Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba

Ako’y maghapon at ikaw ay magdamag
Ika’y matapang kung saan ako duwag
Ang iyong huli ay siya kong una
Madali mo’y di ko kaya
At ang aking sige ay siya mong huwag

At pag tayo’y nag-uusap
Parang lupa’t alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Sala sa ikli at haba
Parang timog at hilaga
Di mahuhulaan kung saan hahantong

Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag
Kung paano di natitinag
At pagkakaiba ay di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama’y masaya
May kaagapay o kaya
Baka naman pag-ibig lang

i’ll say goodbye for the two of us

March 10th, 2007 by iki-iki

When you wake up
And find me gone tomorrow
Don’t think I meant to hurt you
I just did what we knew I had to
And all the time we knew
The time was never right for us
Time to leave this love behind
I could never leave you — Baby
If I saw you cry

Chorus:
I’ll say goodbye for the two of us
Tonight while you sleep
I’ll kiss you softly one last time
And say goodbye
Like I know we must
There’s just no other way
And I couldn’t bear to see your heart break
So I´ll wait till your asleep to say goodbye

Please realize
How hard it is to do this
I’m trying to make it through this
Say goodbye just as gently as I can
Please try and understand
This time just wasn’t the time for us
We knew I couldn’t stay
But that don’t make it easier to leave you
So while I can find the strength

Chorus

Before your arms embrace me
Before your kisses take me
Before your eyes can make me stay

Chorus

Like I know we must
I´ll wait till you’re asleep
To say goodbye for the two of us
Tonight while you sleep
I´ll kiss you softly one last time
And say goodbye
Like I know we must
There’s just no other way
And I couldn’t bear to see your heart break
So I´ll wait till your asleep to say goodbye

When you wake up
And find me gone tomorrow
Don’t think I meant to hurt you

Goodbye…

those were the days…

March 2nd, 2007 by iki-iki

matagal na din pala akong hindi nakakabisita sa friensdter ko… nakakagulat dahil parang ang dami nang bago… hindi lang sa friendster, kundi sa mga buhay ng mga ka-friendster ko… nakaka-miss din dahil halos 2 yrs. nang wala akong ugnayan sa kanila… hay… pero sa kabila noon, masaya pa rin naman dahil may kanya-kanya na kaming buhay na tinahak… nakikita kong masaya din sila sa buhay nila ngayon, at ganuhn din ako… hmmm… nakaka-miss lang din talaga… ang skul… ang peys… ang kapitol view park… ang heroes park… ang integ bldg… ang spratlys… at ang hagdan sa gilid ng gym… hmm… those were the days…